May 28, 2009

Ex-cop does a Cherie Gil


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

GMA News is obviously so delighted w/ this footage. Notice how they're looping it over and over again.

The ex-cop who poured the water on Dr. Hayden Kho's head has been identified as one Abner Afuang. He holds a press pass w/c is why he was able to get into the Senate hearing. I'm sure, issued by the Senate press office. Ngek.

I noticed though that Sen. Jamboy Madrigal seems to be pretty partial towards Dra. Vicki Belo, who as it turns out, did instruct Eric Chua and Bistek del Rosario, to get the contents of the hard drive of Kho. She was the one who gave the key to Kho's flat. Hmmm...as I suspected, Marquise de Merteuil at your service!

And gads, this Sen. Bong Revilla has no business sitting in Senate hearings when he doesn't even know what kind of questions to ask! "So Katrina, ano'ng nararamdaman mo ngayon?" "So Dr. Kho, ano'ng nararamdaman mo ngayon?" Or how about: "Dr. Hayden Kho -- nothing personal -- kayo pa rin ba ni Vicki Belo?" Duh. Doesn't his staff even bother to give him cue cards?

Of course, Sen. Jinggoy Estrada was not too far behind: "Dr. Kho, doktor po ba kayo?" Or, "ano ba ang ibig sabihin ng jologs?" Leche.

This Katrina Halili is also such an artista. She cries crocodile tears. The hearing was turned into a badly-scripted telenovela. "Minahal ko sya!" she wailed to the senators and onlookers. "Inuto niya ako na matagal na niya akong gusto." (tanga) "Ang kapal ng mukha mo!" she accused Kho, inciting Sen. Madrigal to call for a one-minute break. "Ang baduy naman!" sigaw ko.

The Senate hearing was adjourned until further notice. As usual, for projection purposes only.

* * * *

TRANSCRIPT of Katrina Halili's statement courtesy of Senate reporter Bernadette Tamayo

"Artista po ako. Trabaho ko ang maghatid ng tuwa. Pantasya ng telebisyon at pelikula. Pero tulad ng iba may pribado ring buhay din ako gaya ng lahat. Sa pagkakataong ito. dangal ko at dangal ng pamilya ang pinag uusapan dito. Minahal ko si Hayden. bata ako kaya madaling nalagyan ng piring ang aking mga mata para isisping ako lang ang nagmamay ari ng puso niya. pero gaya ng lahat ng relasyong nagsimula sa kasinunagalingan wala itong pinatunguhan.

Wala akong malay na ang bawat yakap at halik ay scripted. Buong-buo kong binigay yung puso at ang kaluluwa ko sa isang lalaking gumagawa pala ng sariling pelikula. Ang tanga ko. Imbes na doktor, direktor pala. Inaamin ko ang pagkakamali ko. Ang pagkakamali ko ay minahal ko siya. At naniwala ako na minahal nya rin ako ng lubusan.

Ako raw ang prinsesa niya sa ikalawa niyang mundo. Bata po ako madali niya ako napaniwala. Ako ang biktima rito. Araw-araw biktima ako habang pinapanood ang nasabing video. Hangad ko po ang hustisya at hukuman kahit alam kong habang buhay ko nang dadalhin ang ginawa sa akin.

Patay na ako pero may video pa rin at may Internet. Dalawa lang kasong sinampa ko sa pambababoy na ginawa sa akin sa pagkatao ko. Gusto ko siyang matanggalan ng lisensiya bilang doktor. Wala siyang karapatan maging doktor. Gusto ko rin siyang makulong at pagdusahan niya ang ginawa niya sa akin.

Pero ano pong iginanti nila. Kasama ni Hayden ang kanyang ina. Sari-saring paninira ang binato nila sa akin at sa mga taong tumutulong sa akin. Inabuso na ako at binaboy ako pa ang may sala. Inabuso na nga ako sa sex video. Inaabuso pa rin ako sa sex video, inaabuso pa ako muli sa publiko.

And issue dito ay pang-aabuso sa kababaihan. Ang pambababoy sa akin at sa iba pang biktima ni Hayden. Sa kultura po natin habang buhay na latay sa pagkatao ko ang ginawa sa akin. May ina din po ako na nasasaktan. Araw-araw na nagdurusa. May anak o kapatid din po kayo na babae. Ayaw din nyo mangyari sa kanila ang sinapit ko.

Sana ipagpatuloy ng Senado at madaliin ang pagsusulong ng mga batas na may layuning itaguyod ang karapatan at proteksyon para sa aming kababaihan dahil iba na ang ginagamit na panggagahasa at pambababoy sa karapatan ng kababaihan. Sa Intenet, sa blogs, DVDs at iba pa.

Nabiktima ako. Isa ako sa maraming babaeng naloko at niloko ni Hayden Kho. Pero may hangganan ang katangahan. At sa araw na ito buong loob na humaharap sa inyo na puno ng respeto sa sarili. Ilalaban ko ang aking karapatan ng mabuhay ng marangal, ng walang takot at malayo sa karanasang inabot ko dahil sa sex video.

Sana po sa publiko itigil na po natin ang pagtangkilik sa mga sex videos at malalaswang panoorin. Kung walang tumatangkilik wala rin din pong gagawa ng mga sex video. Sana po ang pangalang Katrina Halili na lang ang huling sa mga sex videos. Sana po wala ng susunod pa. Salamat po.


Ang galing ni Manay Lolit gumawa ng speech!

No comments:

Post a Comment